Hinimok ng mga stakeholders ng industriya ng sardinas ang gobyerno na manguna na ng pagpupulong, upang pag-usapan ang posibleng maging kakulangan ng suplay ng sardinas sa bansa.
Ayon kay Francisco Buencamino, Executive Director ng Canned Sardines Association of the Philippines, dapat nang gumawa ng aksyon at mekanismo ang gobyerno para matiyak na magiging sapat ang suplay ng sardinas.
Isa sa mga problemang nakita ni Buencamino kaya nagiging kaunti ang suplay ay ang epekto ng climate change at limitasyon ng mga mangingisda sa karagatan.
Sa ngayon, dalawang solusyon ang inilatag ni Buencamino para masolusyunan ang banta kabilang ang pagbuo ng kasunduan sa mga municipal fishers at paghingi ng approval mula sa mga LGUs para mapayagang makapasok sa 10.1 kilometers mula sa dalampasigan ang mga mangingisda.