Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Batangas sa babala na muling pagsabog ng Bulkang Taal.
Ayon kay Lito Castro, head ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 300,000 ang residenteng ililikas kung kasing lakas noong 2020 ang maging pagputok.
Batay naman sa ulat ng PhiVolcs, hindi magiging katulad ng epekto noong nakaraang taon ang pinakikitang aktibidad sa ngayon ng bulkan.
Matatandaang una nang pinalikas ng nitong Martes ang mga residenteng naninirahan sa isla ng bulkang Taal.— sa panulat ni Agustina Nolasco