Mariing tinutulan ng grupong Riles Network ang nakaambang dagdag pasahe sa Light Rail Transit o LRT.
Ayon kay Sammy Malunes, pangulo ng Riles Network, ito’y dahil sa tiyak na ang mga kontratista tulad ng Ayala at Metro Pacific investments ang siyang tunay na makikinabang ngunit ang taumbayan naman aniya ang magdurusa.
Binigyang diin ni Malunes na dapat matiyak na maging maayos muna ang serbisyo ng LRT bago magpatupad ng anumang pagtataas sa pasahe
Kasunod nito, nanawagan din si Malunes na buwagin na ang Public Private Partnership sa pagitan ng gobyerno at ng mga pribadong kumpaniya dahil sa lagi aniyang dehado rito ang mamamayan.
“Under the contract ay kailangan ding garantiyahan sila doon sa kanilang capitalization na counterpart nila, so ibig sabihin ang gobyerno, ang taong bayan ang maggagarantiya sa lahat ng kanilang pamumuhunan at lahat ng kikitain ay mapupunta sa kanila ng buong-buo sa loob ng 32 years.” Ani Malunes.
By Jaymark Dagala | Karambola