Muling haharangin sa Korte Suprema ang nagbabantang pagtataas sa singil sa Light Rail Transit o LRT Line 1 sa pagpasok ng taong 2016.
Ito’y kahit pa nakasaad sa concession agreement na obligado ang pagtataas ng pamasahe sa LRT 1 tuwing dalawang taon.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares, hindi makatuwiran ang pagtataas ng pamasahe sa LRT dahil sa palpak pa rin hanggang ngayon ang serbisyo nito.
Pursigido rin si Colmenares na mapanagot ang administrasyong Aquino dahil sa bilyong-pisong ikinalulugi ng taumbayan dahil sa mga dispalinghadong serbisyo ng gobyerno sa lahat ng aspeto.
By Jaymark Dagala | Karambola