Posibleng nagmula sa mga komunidad sa paligid ng Mount Hamiguitan Range, Davao Oriental ang bumaril at pumatay sa Philippine eagle na si Pamana.
Ayon kay Marc Fragada, Regional Director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 11, maaaring naghahanap si Pamana ng makakain sa Hamiguitan subalit nang walang nakita ay lumipat ito ng ibang lugar.
Gayunman, aminado si Fragada na ispekulasyon pa lamang nila ito at ang PNP pa rin ang pangunahing nakatutok sa imbestigasyon.
“Nandoon po siya sa area ng mga community kung saan mga livestock baka doon naman siya naghanap, that could be another motive na baka he had to fly down para makakuha ng source of nourishment, ang mga community members ay may nalalaman tungkol diyan, we don’t want to assume na part ng community could do so but these are the leads we’re taking on.” Ani Fragada.
Nilinaw din ni Mark Fragada, Regional Director ng DENR Region 11 na hindi pa nahuhuli ang suspek sa pagpatay kay Pamana.
Sinabi ni Fragada na kabilang sa kanilang tinututukan ay ang posibilidad na hindi mangangaso ang nakapatay kay Pamana.
Tiniyak din ni Fragada na kanilang ginagawa ang lahat upang makakuha ng impormasyon hinggil sa pagpatay kay pamana, at umaasa sila na mayroon nang tatawag sa kanilang hotline, na makakapag bigay ng karagdagang impormasyon, hinggil sa suspek.
“May leads po but there’s no specific note, we’re trying to look into the community members, kung wala naman pong mga nakitang bigtime hunters na nandiyan baka local communities po but ofcourse mahirap po mag-assume, for the meantime we’re just working on 1-3 kilometer radius.” Pahayag ni Fragada.
By Drew Nacino | Katrina Valle | Ratsada Balita