Sinisi ng COA o Commission on Audit ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa anito’y pakikialam ng ahensya kaya’t nabibitin ang mga kontrata para sa modernization ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Nakasaad sa 2014 audit report ng COA na nilabag ng DILG ang Government Procurement Reform Act nang i-take over ang proseso sa pagbili ng mga makabagong kagamitan ng BFP.
Sinabi ng COA na hindi na natuloy ang procurement deals ng BFP dahil sa pagpapel ng DILG sa bidding process noong 2012.
Lumalabas sa record ng COA na halos P4 na bilyong piso ang inilaan ng national government para sa modernization program ng BFP.
By Judith Larino