Magpapatuloy ang nakagawiang surprise inspection ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa mga tanggapan ng pulisya sa bansa.
Ito ang tahasang sinabi ni PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar sa panayam ng DWIZ, aniya na ‘back-to-basic’ lamang ang gagawin ng kanyang liderato para matiyak na nasa maayos na kundisyon ang ibinibigay na serbisyo sa publiko ng mga tauhan nila sa mga presinto.
Kung kaya’t ani Eleazar ay inaasahan din niya na magsagawa rin ng inspeksyon ang mga unit commanders sa mga presinto dahil tiyak aniyang magpapatuloy ang kanyang inspeksyon.
Chief PNP na ako, ibig sabihin n’yan mas marami na akong tinututukan pero kung kinakailangan ay magandang alam nila na any time pwede ako mag-inspect. Inaasahan ko nga at inuulit ko na ang ating unit commanders on the ground na mag-inspect din sila,” ani Eleazar.
Magugunitang noong NCRPO Chief pa lamang ang ngayo’y PNP Chief ay nakilala itong nagsasagawa ng surprise inspection sa mga presinto at nabibisto ang mga tutulog-tulog na mga pulis.
Sa huli, iginiit ni Eleazar na ang simpleng problema ay dapat agad na tugunan at ‘wag nang hintaying lumala pa ito.
Small problems must be fix immediately before they get worse. Kung madumi ‘yan, pinapabayaan, ang tendecy n’yan lalong dumumi, gaya ng simpleng pangongotong ng ating pulis, kapag iyan ay hindi pinansin, pinabayaan, ay masasanay at makalusot hanggang eventually maghahangad ng mas malakihan,” ani Eleazar.