Matagal nang dapat umalma ang Pilipinas sa pagbalewala ng China sa arbitral win ng bansa hinggil sa West Philippine Sea.
Binigyang diin ito ni Senador Risa Hontiveros matapos igiit sa Malakaniyang na kundenahn ang pahayag ng China na piece of waste paper o basura lang ang arbitral ruling.
Sinabi ni Hontiveros na nakakabahala ang pag-trato ng China sa naturang ruling na kapareho rin nang pag-trato ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Hontiveros na dapat sumunod ang China sa arbitral ruling na aniya’y tinanggap ng buong mundo —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)