Nasamsam ng mga pulis ang ilang pakete ng shabu mula sa isang Barangay Counsilor habang nakakulong ito.
Ayon sa Iriga Police, nag-inspeksyon kahapon sa kulungan ni Barangay Councilor Alan Alanis sa Camarines Sur Police Station matapos makatanggap ng tip na mayroon tinatagong iligal na droga ang kagawad.
Itinuturing na high value drug suspect si Alanis na naaresto dahil sa pag-iingat ng shabu na nagkakahalaga ng Isang Milyong Piso.
By: Avee Devierte