Itinatayo na ang permanenteng pabahay para sa mga residenteng nakaligtas sa bagsik ng Bagyong Agaton sa Baybay City, Leyte nitong Abril.
Ayon sa Baybay City Government, sinisimulan nang gawin ang mga pabahay sa barangay higulo-an.
Paliwanag ng Department of Environment and Natural Resources -Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB), ligtas namang patayuan ng mga pabahay ang nasabing lugar.
Nasa 253 pamilya ang makikinabang sa proyekto matapos mawasak ang kanilang tinitirahan sa barangay mailhi bunsod ng landslide na sumalanta sa lugar.
Ngunit paglilinaw ng lokal na pamahalaan, nasa 40 bahay muna ang ipapatayo para sa unang batch.
Bukod sa 178 katao na nasawi, mahigit 100 ang naiulat na nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.- sa panunulat ni Hannah Oledan