Hihintayin ng Pangulo ang pagpasa sa 2017 proposed national budget sa Kongreso upang mailarga ang mga programa kontra iligal na droga
Ito ang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa harap pa rin ng kaniyang buwelta sa mga kritkong bumabatikos sa kampaniya ng gubyerno kontra iligal na droga
Ayon sa Pangulo, maliban sa walang pondo, wala rin aniyang programang inihanda ang Department of Health gayundin ang Department of Social Welfare and Development dahil sa wala aniyang paki-alam ang nakalipas na administrasyon sa naturang problema
Ngayon lamang aniy napagtutuunan ng pansin ang problema sa droga kaya’t sa susunod na taon pa nila maisasaligal ang mga programa hinggil sa drug rehabilitation
Hindi rin aniya mangungutang ng pondo ang Pangulo o di kaya’y kumuha ng budget sa ibang ahensya dahil labag ito sa batas
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping