Itinanggi ng Malakanyang na bumili ang gobyerno ng umano’y overpriced PPE o nasa 1, 700 kada isa.
Ang tinutukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang P8.6-B na halaga ng face mask, face shield at PPE na binili ng gobyerno sa kumpanyang Pharmally na binubusisi ng mga senador.
Binigyang-diin ni Roque na presyo at kalidad ang pinagbasehan sa pagbili ng medial supplies at maaari aniyang mayroong kumita rito, subalit hindi sa administrasyon.
Dahil dito, binalikan ni Roque si senate minority floorleader Franklin Drilon at sinabihang tanungin ang mga kakampi nito noong nakalipas na administrasyon na bumili ng mahigit P3,000 halaga ng kada isang PPE noong 2015 at 2016.