Ang nakalipas na buwan ng Hulyo ang itinuturing na pinakamainit na buwan sa buong mundo.
Sa katunayan, ipinabatid ng US National Oceanic And Atmospheric Administration (NOAA) na ang Hulyo 2021 ang pinakamainit na buwan na naitala sa kasaysayan.
Ang nasabing bagong record ayon kay NOAA Administrator Rick Spinrad, base sa data ng national centers for environmental information ay nakadagdag pa sa pagka alarma ng mundo sa usapin ng climate change.
Inihayag ng NOAA na nasa 1.67 degrees fahrenheit sa kumbinasyong land at ocean surface temperature, mas mataas sa 20th century average na 60.4 degrees fahrenheit, dahilan para ituring itong pinakamainit na buwan ng Hulyo simula nang umpisahan ang pagre-record ng temperatura, 142 taon na ang nakakalipas.