Hindi bababa sa P1-bilyong infrastructure funds ang nakalaan para sa 220 na mga congressional districts.
Ito ang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson na nakapaloob sa inaprubahang bersyon ng panukalang 2021 national budget sa kamara.
Ayon kay Lacson, umaabot sa P15.351-bilyon ang pinakamataas na infra funds, habang P620-milyon naman ang pinakamababang pondo para sa ibang mga congressional districts na hindi kasama sa bilyones ang halaga ng alokasyon.
Sinabi ni Lacson, maaawa ang mga senador sa kanilang sarili at magmumukhang barangay kagawad dahil sa naturaang napakalaking infrastructure funds para sa mga congressional districts.
Batay sa impormasyon ng senador, mga kongresista at hindi Department of Public Works and Highways ang may kagagawan nito.
Samantala, tumanggi naman si Lacson na pangalanan ang mga kongresista sa mga tinukoy na distrito upang mas mapagtuunan ang pondo at hindi ang mga personalidad. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)