Kilala ang Niagara Falls, na matatagpuan sa border ng Ontario, Canada at New York, United States, bilang “Honeymoon Capital of the World” simula pa noong 1880s. Dahil sa makapigil-hininga nitong tanawin, dinarayo ito ng mahigit 12 million visitors mula sa iba’t ibang sulok ng mundo kada taon.
Binubuo ang Niagara Falls ng tatlong waterfalls: ang Horseshoe Falls, American Falls, at Bridal Veil Falls. Ito ang may pinakamataas na flow rate sa buong mundo kung saan aabot ng 28 million liters ng tubig ang bumabagsak dito kada segundo.
Maraming mahahalagang historical sites na matatagpuan sa Niagara Falls, katulad ng Village of Lewiston kung saan ginanap ang unang labanan sa War of 1812. Narito rin ang last stop sa Underground Railroad, isang sikretong ruta na ginamit ng mga tumakas na slaves; ang original Flight of Five Locks, isang device na nag-aangat at nagbababa sa bangka na nilikha noong 1815; at ang isa sa pinakaunang American flags.
Source ang Niagara Falls ng hydropower. Itinatag ang pinakaunang hydroelectric station nito noong 1881. Ngayon, tinatayang one-fourth ng electricity sa New York at Ontario ang pino-produce nito.
Bukod sa kuryente, halos one-fifth ng drinking water sa Amerika ang dumadaloy sa Niagara Falls.
Patok din para sa mga taong naghahanap ng thrill at adventure ang Niagara Falls, lalo para sa daredevils, dahil sa taas nitong aabot sa 188 feet. Noong 1859, naitala ang pinakaunang tightrope walk dito matapos maglakad si Charles Blondin nang ilang beses sa isang section ng Niagara Falls. Sinubukan niya pa ngang maglakad nang naka-blindfold!
Hindi rin pahuhuli ang noo’y 63-year-old teacher na si Annie Edson Taylor na pinakaunang bumaba sa rumaragasang talon, sakay ang isang barrel na gawa sa iron at oak na may kutson.
Tunay ngang nakamamangha ang Niagara Falls na sa una, hindi mo aakalaing dito lang sa mundo matatagpuan. Upang makita rin ng mga susunod na henerasyon ang likas na ganda nito, nararapat lang natin itong alagaan at pahalagahan.
Ikaw, gusto mo bang bumisita sa Niagara Falls?