Pinanangangambahang 15 bansa sa Europa ang nakapag-import ng mga itlog na umano’y kontaminado ng insecticide na fipronil.
Dahil dito, isang meeting ang ipapatawag ng European Union sa mga minister at regulator para masolusyunan na rin ang problema at matigil na ang sisihan ng mga bansa.
Nagkakainitan umano ang Germany, Belgium at Netherlands sa usapin lalo na’t sa Netherlands sinasabing nagmula ang nasabing uri ng itlog.
Ang fipronil na isang substance na ginagamit para patayin ang mga kuto at garapata ng poultry animals na isinailalim ng EU sa ban para sa kanilang food products ay maaaring makasira ng atay, bato at thyroid glands kapag nakain ng maramihan.
Ang mga bansang nakatanggap ng mga kontaminadong itlog ay UK, Sweden, Austria, Ireland, Italy, Luxembourg, Poland, Romania, Slovenia, Slovakia, Denmark, Hong Kong at Switzerland.
By Judith Larino