This is for Kobe.
Ito ang binigyang diin ni 2020 NBA All Star MVP Kawhi Leonard matapos makamit ang panibagong parangal.
Sinabi ni Leonard na malaking bagay na makatanggap siya ng nasabing award na pasasalamat niya kay Bryant sa lahat ng ginawa nito sa kaniya at naging kaibigan niya ito at nakasama sa maraming okasyon sa labas ng NBA.
Si Leonard ang kauna-unang recipient ng Kobe Bryant MVP award na binago ang pangalan mula sa All Star Game MVP trophy bilang pagpupugay sa pumanaw na NBA icon.
Sa ginanap na NBA All Star Game sa Chicago umiskor si Leonard ng 30 points kasama ang walong 3 pointers para pangunahan ang panalo ng team Lebron kontra team Giannis sa final score na 157-155.