Dead on the spot ang isang naka-motorsiklong lalaki matapos itong pagbabarilin ng mga naka-kotseng suspek sa Infanta, Quezon.
Sa imbestigasyon ng Infanta Police, patungo sa infanta Town Proper ang biktimang si Manuelito Junio,41- anyos nang buntutan ito ng itim na kotse ng mga salarin.
Nang makatiyempo, sinabayan ng kotse ang motorsiklo at saka pinagbabaril ng gunmen ang biktima.
Dahil sa natamo nitong tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan agad itong nalagutan ng hininga.
Tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng real.
Nangangalap na ng mga kuha sa mga CCTV camera ang mga awtoridad para matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaslang.