Papalo sa tatlo punto tatlong milyong estudyante ang nakapag-enroll na para sa paparating na pasukan sa unang araw pa lang ng pagbubukas ng enrollment period.
Ito ang inanunsiyo ni Vice President at Department of Education (DePED) Secretary Sara Duterte sa isinagawang post State of the Nation Address (SONA) briefing ngayong araw.
Mas malaki ito kumpara sa naitala na sa 200,000 na learners sa unang araw ng enrollment noong nakaraang pasukan.
Kaugnay nito, inihayag rin ni VP sara ang ilang detalye sa ginagawang paghahanda ng DEPED sa pagbubukas ng school year 2022-2023.
Kabilang na rito ang pag-iimbentaryo sa school facilities na kailangang kumpunihin, lalo na sa mga lugar na tinamaan ng mga nagdaang kalamidad.
Iniutos na rin umano ng DEPED Central Office ang mga Regional Office na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para sa pagpapaigting ng counseling sa mga unvaccinated teaching at non-teaching personnel.