Nakapagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 sa Batanes.
Sa datos ng provincial government ng Batanes, ang dalawang nagpositibo sa virus ay pawang babae na edad 49-na-taong-gulang makaraang sumailalim sa RT-PCR nitong Lunes, 29 ng Marso.
Mababatid na dumating ang dalawa noong Marso 20 sa Batanes lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight.
Sa ngayon, naka-isolate na ang dalawang nag-positibo sa virus at kasalukuyang asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng virus.
Kasunod nito, lumobo na sa siyam ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Batanes, anim sa mga ito ang aktibo sa virus, at tatlo naman ang gumaling na sa virus.