44% o katumbas ng 380 mga Local Government Units (LGU’s) ang nakapasa sa good local governance standards ngayong taon.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), mas mataas ito mula sa nakapasang 263 lokal na pamahalaan noong nakaraang taon.
Kabilang aniya rito ang 17 probinsiya, 57 siyudad at 306 na mga munisipalidad sa buong bansa kung saan pinakamarami ang mula Ilocos Region at sinsundan ng Central Luzon.
Kaugnay nito, pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga LGU’s na mabibigyan ng seal of good local governance at pag-angat ng kanilang mga performance.
Kabilang sa mga pamantayan ng good local governance ang financial at administrative management, pagiging handa sa mga sakuna, social proteksyon, kapayapaan at kaayusan, busines friendliness at competitiveness, pagbibigay proteksyon sa kalikasan, turismo, kultura at sining.