Isinisi ng Malakaniyang sa nakaraang administrasyon ang pagkakaroon ng militarisasyon sa Panatag Shoal.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, unang nagkaroon ng militarisasyon nuon pang panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino matapos itong magpadala ng warship ng Philippine Navy sa pinag aagawang teritoryo.
Dahil aniya dito, lalong hindi umalis ang mga Chinese sa Panatag Shoal at nagresulta pa ito ng hidwaang militar na siya umanong iniiwasan ng kasalukuyang administrasyon.
Naniniwala si Roque na hindi solusyon ang paggamit ng dahas para maprotektahan ang naturang teritoryo lalo’t hindi aniya natin kayang tapatan ang pwersa ng China.