Patuloy sa pagtaas ang bilang ng gumagaling sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 4,335 na mga bagong gumaling ngayong araw.
Bunsod nito pumalo na sa 1,131,942 ang bilang ng mga gumaling at 48,109 naman ang bilang ng aktibong kaso.
Samantala, 6,483 naman ang nadagdag sa mga bagong tinamaan ng virus, dahilan upang sumampa sa 1,200,430 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng naturang virus.
Habang, 210 naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi sa at 20,379 na ang lahat ng namatay.