Inihayag ng Philippine Army na nakasamsam ang mga sundalo at mga pulis ng ilang armas at pampasabog na pinaniniwalaang pag-aari ng mga rebelde sa Barangay Bulala, Magallanes, Sorsogon.
Pahayag ni 22nd Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Nelson Mico, mismong mga residente sa lugar ang nagtimbre sa kanila ukol sa mga nakatagong armas sa isang koprahan.
Kabilang sa mga nadiskubre ang tatlong M16 rifle, isang KG9, tatlong anti-personnel mines, mga bala, at ilang propaganda materials.
Nabatid na aktibo ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa lugar dahil na rin sa galit nila sa karahasan ng armadong grupo.