Walang nakikitang mali si Vice President Jejomar Binay sa nakatakdang pagdedeklara ni Senator Grace Poe ng kanyang kandidatura sa pagka-Presidente, mamayang gabi.
Ayon kay Binay, hindi naman bawal ang magdeklara ng kandidatura lalo na at hindi naman ito isasabay sa nakatakdang pagtalakay sa Senate Electoral Tribunal sa kanyang disqualification case na isinampa ni Rizalito David.
Samantala, tinawag naman ni Binay na isang “drama,” ang plano nina Poe at Senator Chiz Escudero na gawin ang kanilang deklarasyon sa magkaibang araw kahit na posibleng sila naman ang magiging mag-katandem.
By Katrina Valle | Allan Francisco