Pinaikli ng apat (4) na araw ang nakatakdang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China mula sa orihinal na plano na walong (8) araw.
Batay sa ulat, aalis ng bansa si Pangulong Duterte patungong Beijing sa Agosto 28 kung saan magkakaroon ito ng magkahiwalay na pulong kina Chinese President Xi Jinping at Prime Minister Le Keqiang.
Dadalo rin ang pangulo sa grand opening ng FIBA World Cup 2019 kung saan panonoorin din nito ang unang laban ng Gilas Pilipinas kontra sa koponan ng Italy.
Makikipagkita rin si Pangulong Duterte sa mahigit 300 Chinese leaders sa Beijing.
Habang hindi na dadaluhan ng pangulo ang inagurasyon ng gusali ng Fujian University na ipinangalan sa kanyang ina at babalik na ito ng Pilipinas sa Agosto 31.