Nakansela ang nakatakdang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte patungong Marawi City ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorezana dahil sa aniya’y nararanasang sama ng panahon sa Mindanao.
Ayon kay Lorenzana, tuloy naman ang pagbisita ng Pangulo sa Cagayan de Oro City.
Nakatakda sanang dalawin at kausapin ng Pangulo ang tropa ng militar na nakikipagbakbakan sa Maute Group sa Marawi City.
May-ari ng bahay kung saan nagpulong mga lider ng teroristang grupo sa Marawi tukoy na
Tukoy na ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang may-ari ng bahay kung saan nagpulong sina Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute.
Ito ay matapos ilabas ng AFP sa publiko ang video kung saan makikita sina Hapilon at ang magkapatid na Maute na tila nagpa-plano ng pag-atake sa Marawi City.
Ayon kay AFP Chief of Staff at martial law implementer General Eduardo Año kabilang na sa kanilang ipinalabas na arrest order ang nasabing may-ari ng bahay.
Gayunman tumanggi muna si Año na tukuyin ang pagkakakilanlan nito.
Nakuha ang naturang video habang nagsasagawa ng clearing operations ang militar sa Marawi City.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping