Nakatakdang maglabas ng panuntunan ang Department of Health (DOH) kaugnay sa paggamit ng self-administered o home test kits.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, anumang diagnostic commodity gaya ng home antigen test kits ay kailangang mabigyan ng clearance o regulatory clearance ng Food and Drug Administration (FDA) upang masiguro na ito ay ligtas at dekalidad.
Giit ni Vergeire, kailangang masunod ang mga pamantayan kung paano gamitin ang naturang test kits upang makakuha din ng tamang resulta.
Sa pamamagitan aniya ng ilalabas na guidelines ay mare-regulate pa rin ang paggamit ng self-administered o home test kits.—sa panulat ni Hya Ludivico