Hindi pa kinukumpirma ng china ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makikipagpulong ito kay Chinese President Xi Jinping ngayong Abril.
Ayon kay Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, wala pa siyang impormasyon hinggil sa magiging pag-uusap.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na itatakda sa Abril 8 ang meeting nito kay Xi na good friend para sa kaniya.
Inaasahang magiging online ang pulong na nasa preparatory stage pa lamang.
Nilinaw naman ni Deputy Palace Spokesperson Kris Ablan na walang agenda ang magiging pulong. – sa panulat ni Abby Malanday