Inaasahang magiging makasaysayan ang gagawing three – day visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel na magsisimula sa September 2.
Ayon kay Israel Ambassador to Manila Effie Ben Matit- Yau, ito ang unang pagkakataon na bibisita ang pangulo ng Pilipinas sa Israel.
Mula nang mag-umpisa ang “diplomatic ties” ng nasabing dalawang bansa noong 1958.
Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Duterte kina Prime Minister Benjamin Netanyahu at President Reuven Rivlin, kung saan inaasahang tatalakayin ang mga usapin sa seguridad, economic ties at iba pa.
Dagdag pa ng opisyal, posibleng matalakay din sa gagawing pagpupulong ang pagkakaroon ng direct flight na Manila to Tel Aviv at pabalik na magpapalakas sa turismo ng dalawang bansa.