Hindi matutuloy bukas ang naka-schedule sanang pagdinig ng senado hinggil sa natuklasang 100 million dollars na ‘dirty money’ na pumasok sa ating banking system at na-launder o naikubli sa casino sa bansa.
Ito’y dahil hindi umano available ang ilan sa mga inimbitahang bank officials tulad ng isang RCBC official na ngayo’y nasa New York kaya’t hindi makadadalo sa pagdinig ng Oversight Committee on Anti-Money Laudering Law na pinamumunuan ni Senator TG Guingona.
Sa halip, ang hearing ay gaganapin sa susunod na linggo o Marso 14, taong kasalukuyan.
Marami na umanong mga senador ang naniniwalang panahon na para maisama ang casino sa mga institusyon na dapat masaklaw at mamonitor ng batas laban sa money laundering.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)