Tuloy pa rin ang nakaambang pagtatayo ng resort-casino sa isla ng Boracay sa kabila ng napipintong pansamantalang pagsasara rito.
Iyan ang tiniyak ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson Andrea Domingo sa harap na rin ng rekomendasyon ng binuong joint task force na isara ang Boracay sa loob ng isang taon.
Una rito, inihayag ni PAGCOR President Alfredo Lim na hinihintay na lamang ng Galaxy Entertainment Group and Leisure at Resorts World ang kanilang basbas para magtayo ng hotel sa naturang isla.
Ayon kay Domingo, hindi nababahala ang dalawang hotel-casino operators sa naturang hakbang na isara pansamantala ang isla at sa halip ay nakatakda nilang lagdaan ang provisional license ng mga itatayong resort casino bago matapos ang Marso.
—-