Kinansela ng North Korea ang nakatakda sanang pakikipag-usap nito sa South Korea.
Batay sa report ng KCNA News Agency ng North Korea, itinuturing ng mga opisyal ng NoKor na panggagalit o provocation ang ginaganap na military exercise sa pagitan ng South Korea at Estados Unidos.
Nagbababala rin ang North Korea hinggil sa posibleng kahinatnan ng makasaysayan sanang pulong nina North Korean Leader Kim Jong-Un at US President Donald Trump sa June 12 sa Singapore.
Ang kasalukuyang military exercises sa pagitan ng SoKor at Estados Unidos na tinaguriang ‘Max Thunder’ ay ginagamitan ng halos 100 eroplanong pandigma na kinabibilangan ng B-52 bombers at F-15K jets.
—-