Tuloy ang nakatakdang pagbabalik sesyon ng Senado sa Mayo 4.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III, sa kabila ng muling pagpapalawig sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ibang bahagi sa ikalawang pagkakataon.
Ayon kay Sotto, nasa mandato ng legislative calendar ang muling pagbubukas ng sesyon ng kongreso sa Mayo 4 kaya hindi dapat maging problema ang panibagong extension sa ECQ.
Sinabi naman ni Sotto na nakadepende na sa magiging sitwasyon ang mga susunod na pagdinig ng Senado matapos ang kanilag pagbabalik sesyon.
Samantala, una nang inihayag ng House of Representatives na magsasagawa sila ng online session sa Mayo 4 kung magpapatuloy pa rin ang ECQ.