Bababa ng P2.35 trilyon ang hihiramin o uutangin ng bansa sa taong 2022.
Mula iyan sa P3 trilyong na inaasahan ngayong taon.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Domiguez, ang mga nasabing borrowings ay susuporta sa public health response at economic investment ng ating bansa.
Sinabi pa ni Dominguez sa House Committee on Appropriation na mananatiling sustainable ang ating ginagawang panghiram o pangungutang.
Inaasahan naman na tataas ang kita ng pamahalaan sa 2022.—sa panulat ni Rex Espiritu