Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na natigil na ang nangyayaring nakawan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong odette.
Ito’y dahil sa kakapusan ng suplay ng pangunahing pangangailangan ng mga residente na binayo ng bagyo.
Ayon sa NDRRMC, nangyari lamang ang looting sa mga unang araw matapos hagupitin ng bagyo ang ilang lugar.
Ngunit paglilinaw ng NDRRMC natigil din umano ang nakawan nang ipakalat na ang mga kapulisan sa mga lugar na naapketuhan ng bagyo.
Sa kabila nito, iniulat naman ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na hindi pa rin maayos ang pamamahagi ng relief good sa ibang mga lugar bunsod ng kakulangan ng tauhan.