Inihayag ng Department Of Energy na nakikipag-ugnayan na sila sa mga powerplant para maibalik agad ang kuryente ng mga naapektuhan ng Bagyong Odette.
Sinabi ni Energy Undersecretary William Fuentebella, na walang kuryente ang mga lugar na nasa Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol Sa Visayas; at Surigao Del Norte Sa Mindanao.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Fuentebella ang bilang nang mga fully at partially restored na kuryente sa mga lalawigan.