Higit 12 bilyong piso ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue o BIR para sa unang tatlong buwan ng taon.
Ayon sa BIR, sobra ito sa kanilang inaasahan koleksyon dahil na rin pagpapatupad ng TRAIN Law Package 1 kung saan inaasaahan na 36 bilyong piso ang mawawalang buwis dahil sa personal income tax.
Pumalo lamang sa 23 bilyong piso ang nawala dahil sa pagbaba ng personal income tax.
Napatunayan naman ng naging datos na hindi kinakailangang umasa sa excise tax mula sa produktong petrolyo para magkaroon ng dagdag na kita ang gobyerno.
Sa unang tatlong buwan ng taon, higit limang bilyong piso lamang ang kinita ng gobyero gayong halos 10 bilyon ang inaasahan mula sa buwis ng mga langis.
Mas malaki naman ang kinita ng gobyerno sa excise tax sa sigarilyo na pumalo sa halos 15 bilyong piso malayo sa wala pang isang bilyong pisong inaasahan.
—-