Pumalo sa higit 600 trash bags o supot ng basura ang nakolekta sa Rizal Park ngayong araw.
Ito’y matapos magdiwang ng Pasko sa Luneta ang ilang mga Pilipino at ang ilan ay doon na rin nagpalipas ng gabi.
Ayon sa pamunuan ng Rizal Park, 500 trash bags ang nakolekta kahapon at 100 supot ng basura naman ang nalikom kaninang umaga.
Hindi bababa sa 30 tauhan ng Rizal Park Management ang idineploy upang magsagawa ng clean-up drive.
Nilinaw naman ng pamunuan ng parke na may mga nakakalat na basurahan sa paligid ng Rizal Park, pero hindi anya ito sapat sa dami ng mga taong dumagsa sa Luneta kahapon.
Magtutuloy-tuloy naman anila ang paglilinis sa parke hanggang sa Enero.
By Jonathan Andal