Bumaba ng 10% ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, umabot lang sa higit P1.9-T ang nakolekta ng ahensya noong taon na mas mababa sa nakolektang halaga noong 2019 na umabot sa higit P2-T.
Paliwanag ni Guballa, sa kanilang pagtataya, malaki ang ginampanan ng pandemya ng COVID-19 sa pagbaba ng buwis na kanilang nakolekta.
Kabilang na anila rito ang pagdapa at pagsasara ng higit sa 119,000 na mga negosyo o katumbas ng P7.767-B halaga ng buwis na hindi nakolekta.