Aabot sa P11.69 bilyon na taripa ang nakolekta ng Bureau Of Customs o BOC mula sa 1.74 milyon metric tons ng rice imports mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Mas mataas na ito ng 17% sa minimum funding requirement para sa annual Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para sa susunod na taon.
Sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang revenues na nakuha mula enero hanggang Agosto 29, 2021 ay bumaba ng 4.4%, nagmula sa shipments na may kabuuang halaga na P35.07 bilyon.
Sinabi pa ni Guerrero na sa improved valuation system ng BOC ay tumaas din ang average value ng rice imports ng 4.1% sa P20,188 per metric tons sa naturang panahon mula sa P19,386 per mt sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico