Mas konti ang basurang nakuha ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ngayong Undas kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Francis Martinez, head ng clean-up operations ng ahensya, ito ay dahil sa pag-ulan na naranasan maghapon kahapon kaya kakaunting tao lamang ang dumalaw sa mga sementeryo.
Habang ang iba naman ang nauna nang dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay noong weekend.
Nakatutok ang paglilinis ng MMDA sa anim na pangunahing mga sementeryo sa Metro Manila, ang Manila North Cemetery, Loyola Memorial Park, Manila South Cemetery, Bagbag Cemetery, San Juan Cemetery at Libingan ng mga Bayani.
—-