Sinunog ng mga otoridad ang nasa 60 container shipment na naglalaman ng mga smuggled na gulay na nagkakahalaga ng P360-M.
Kasunod ito ng muling pagkakakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port sa Subic sa mga smuggled agricultural products na nakapangalan sa Zhenpin Consumer Goods Trading, Duar Te Mira Non-Specialized Wholesale, Gingarnion Agri Trading, at Thousand Sunny Enterprise.
Nabatid na ang mga nasabing mga shipment ay idineklarang mga frozen bread, frozen jam, at yell out onion pero nang siyasatin ang loob ng mga container ay dito na napag-alaman na mga carrots, broccoli at sibuyas ang mga laman nito.
Ayon kay Agriculture Asec. Federico Laciste Jr. Ng Wide Field Inspectorate, hindi sigurado ang mga konsyumer kung ligtas itong kainin dahil hindi umano ito dumaan sa legal na facilitation at walang import permit.
Sa ngayon, tinutugis na ang mga salarin sa pag-import ng mga smuggled na gulay. —sa panulat ni Angelica Doctolero