Muling pinaulanan ng bomba ng Syrian Democratic Forces o SDF ang mga nalalabing balwarte ng Islamic State sa Eastern Syria.
Katuwang ng SDF ang US Air Force sa pagsalakay sa bayan ng Baghuz na malapit sa Iraqi border.
Hindi pa malinaw kung ilan o may mga namatay at nasugatang sibilyan.
Gayunman, ilang asawa at anak ng mga ISIS fighter ang hinayaan ng US-coalition na magsilikas.
—-