Napasok na ng militar ang nalalabing defensive position ng mga natitirang miyembro ng ISIS-Maute sa Marawi City.
Ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesman ng Task Force Marawi, ilang bangkay ng sibilyan at terorista ang narekober kasama ang kanilang mga armas.
Gayunman, hindi idinetalye ni Herrera kung gaano karaming bangkay ang kanilang narekober.
Okupado pa rin anya ng grupo ang ilang gusali at mosque sa apat na barangay sa Marawi.
By: Drew Nacino