Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga nalalabing miyembro ng ISIS-Maute group sa ilan pang gusali matapos tuluyang mabawi ng mga tropa ng gobyerno ang grand mosque sa Marawi City na nasa main battle area.
Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Eduardo Año, napilitang bakantehin ng mga terorista ang Islamic center at lumipat sa ibang gusali na nasa war zone.
Wala anyang tigil ang matinding bakbakan at hindi rin sila nagpapaka-kampante kahit ramdam na nilang malapit na ang pagwawakas ng digmaan.
Tiniyak naman ni Año na bagaman nakatuon sila sa giyera sa Marawi ay hindi apektado ang iba pang operasyon ng militar sa iba pang lugar gaya sa Sulu at Basilan.