Pagsisikapan ng bagong liderato ng Philippine National Police na kumbinsihin ang nalalabing bilang ng mga pulis na hindi pa nakatatanggap ng bakuna kontra COVID-19 na magpabakuna na.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/LtG. Dionardo Carlos ay para sa mahigit 2,284 pang hindi bakunado sa kanilang hanay at wala namang sapat na dahilan para sila’y hindi bakunahan.
Ayon kay Carlos, ginagawa na ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force o ASCOTF ang lahat para makumbinsi ang mga ito upang makamit na ng PNP ang herd immunity o population protection sa kanilang hanay.
Batay sa datos ng PNP Health Service, nasa mahigit 207 libo na ng kabuoang 225 libong mga pulis o katumbas ng mahigit 91% ng kanilang hanay ang bakunado na kontra sa virus.
Nasa mahigit 15,000 pa o katumbas ng 6.85% nito ang nakakuha na ng unang dose at naghihintay na lang ng kanilang iskedyul para sa ikalawang dose habang kabilang sa mahigit 2,000 hindi pa bakunado ang hindi maaaring mabakunahan dulot ng kanilang kundisyong medical.