Blangko pa rin ang awtoridad sa San Jose del Monte Bulacan sa kinaroroonan ng suspect sa pagpatay sa isang buntis at sa kinakasama nito.
Ayon kay Barangay Minuyan Chairman Gerry Matias, kinukumpirma na nila ang napaulat na P50,000 pabuya para sa ikadarakip ng suspect na si Allan Contreras.
Nasampahan na anya ng kasong murder si Contreras dahil sa pagpatay sa live-in partners na sina Dave Abello at pitong buwang buntis na si Jessie Tolero.
Matatandaan na inakusahan ng mga biktima si Contreras na nangarnap ng kanilang motorsiklo kayat nagtungo sila sa barangay hall para sa komprontasyon.
Paglabas ng tatlo sa barangay hall, bigla na lamang bumunot ng baril si Contreras at binaril sa ulo sina Abello at Tolero na agad nilang ikinamatay.
By Len Aguirre | Ratsada Balita