Nilinaw ng Philippine Navy na decommissioned vessels ang mga barko na nakitang nakatagilid at bahagyang nakalubog sa ikinasang aerial inspection sa Calabarzon na naapektuhan ng tropical storm Paeng.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson commander Benjo Negranza ang mga naturang barko ay ang BRP Rajah Humabon (PS11), BRP Sultan Kudarat (PS22) at BRP Cebu (PS28).
Matagal nang nakadaong sa graveyard dock ng Navy sa Cavite ang naturang mga barko habang naghihintay ng pinal na “disposal”.
Natanggal na rin aniya ang lahat ng kagamitan sa barko at kasalukuyang sumasailalim sa “disposal process” alinsunod sa mga patakaran ng Philippine Navy.
Nakapagserbisyo na rin aniya nang mahabang panahon ang naturang mga barko sa at ngayon ay pinagpahinga na at ibebenta na bilang scrap. —mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)