Nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walang kinalaman sa papalapit na Low Pressure Area (LPA) ang malakas na ulang naranasan at mararanasan pa sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, thunderstorms lang ang mga naturang pag-ulan sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na maaari namang magdala ng malakas na ulan sa susunod na linggo ang paparating na LPA na pinakahuling namataan sa layong mahigit 2,000 kilometro sa labas ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ang nasabing LPA ay hindi inaasahang direktang dadaan sa kalupaan ng bansa subalit makakahatak ito ng kaulapan at maging ng hanging habagat.
By Judith Larino